FAYE “Ma'am, wala po kaming kutsilyo, kaya hindi po namin makakain agad ito,” narinig kong sabi ng isa sa mga tauhan ni Sir Adi. “Oo nga, Ma'am,” sabat ni Mang Zarex. “Dalhin na lang po namin pauwi.” “Hindi puwede,” sagot ko. “Dito ninyo iyan kakainin.” Napalunok sila at nagkatinginan. Narinig kong tumawa ang asawa ko, kaya bumaling ako sa kaniya. “Tulungan mo silang kumain n'yan ng maubos agad at inaantok na ako.” “Honey, hindi naman ako ang bumili ng mga iyan,” pagdadahilan ng asawa ko, pero inirapan ko siya. “Pero ikaw ang nag-utos sa kanila na bumili ng mga iyan!” Napatingin si Sir Adi kay Mang Zarex. “Bakit ba tatanga-tanga ka? Just a simple instruction, hindi mo pa nagawa ng tama!” “Huwag na kayong magsisihan. Simulan na ninyong kainin iyan,” utos ko sa kanila. Tinawag ko s

