FAYE Pakiramdam ko'y nangangapos ang aking paghinga habang pinapanood ko kung paano magsuntukan sina Sir Adi at Lieutenant Morales. Ngayon lang ako nakapanood ng aktwal na suntukan ng mga sundalo, kaya labis na kaba at takot ang nararamdaman ko habang nakakulong ako dito sa loob ng sasakyan at frustrated na pinapanood ang nangyayaring away sa labas. Natatakot ako dahil kitang-kita ko ang galit nila sa isa't isa. Pareho silang malakas sumuntok habang nagpapambuno at ayaw paawat kahit may mga umaawat na sa kanila. Pareho silang may baril, kaya kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko dahil nahulog ito sa lupa at kinuha ng kasamahan nilang sundalo. Nagkumpulan na rin ang mga sundalo dito sa kampo, pero hindi pa rin natapos ang away nina Sir Adi at Lieutenant Morales. Hindi ko na naki

