FAYE Tulad ng dati, nadatnan kong naghihintay sa akin sa tambayan namin sa ilalim ng puno ang mga kaibigan ko. Napangiti ako nang makita kong hawak ni Brando ang kaniyang aklat. Mukhang napagtanto na niya na hindi siya makakatapos sa pag-aaral kung hindi siya mag-aaral ng mabuti. “Ang aga ninyong pumasok,” sabi ko kina Brando at Lorabel. “Naku, Ateng, si Lorabel kasi gustong mag-review, kaya sinamahan ko,” paliwanag agad ni Brando, at pagkatapos, tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri niya ang aking kabuuan. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang dahil hindi ko alam kung bakit ganito ako tingnan ng kaibigan ko. “Bakit ngayon ka lang, Faye?” tanong ni Brando sa akin. “Naipit ako sa traffic,” pagdadahilan ko. Hindi na nagtanong pa sa akin si Brando dahil kinurot siya ni

