AIDAN Iniwan ko muna ang aking asawa sa silid kung saan naka-confine ang Papa ni Faye, kasama ang kaniyang Mommy at si Aling Irma, para puntahan sa opisina niya ang pinsan kong si Sofia. I need to discuss the kidnapping incident with her, dahil katulad ko, magaling rin sa technology si Sofie, and even though she's here inside the hospital, may mga pribadong computer siya na kami lamang ang may access kapag nagkaroon ng emergency katulad ngayon. Habang naglalakad ako, tinawagan ko ang right hand ko na si Zarex. Mabilis naman niya itong sinagot at narinig ko ang tinig niya mula sa kabilang linya matapos ang dalawang ring ng kaniyang numero. “Hello, boss.” “I need you to send me ten of our top agents para sa security ng asawa ko dito sa ospital,” utos ko kay Zarex habang mabilis na nagla

