FAYE Kahit nakaalis na ang ama ni Sir Adi, tahimik pa rin akong nag-iisip tungkol sa sinabi niya kanina. Huwag naman sanang mangyari ang kinatatakutan ko, dahil hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Lumapit agad ako kay Sir Adi nang makita ko siyang lumabas ng silid matapos maligo. Nakasuot na siya ng uniporme at mukhang papasok na sa kanyang trabaho, pero hindi ako papayag na aalis siya nang hindi kami nag-uusap. “Alam ko kung anong sasabihin mo, Faye,” sabi agad ni Sir Adi sa akin bago ko pa maibuka ang aking bibig. “I have a very important meeting to attend today, mag-uusap tayo pagbalik ko.” Basta na lang niya akong iniwan. Hindi man lang ako nakapag-salita at natulala sa kinatatayuan ko habang nakasunod ang mga mata sa kanya. Tulog ngayon si Baby Janica, kaya naglinis na la