FAYE “Aray!” malakas at maarte na sigaw ni Brando. “Bakit ka ba nanampal na lang bigla, Faye?” Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata, at hindi maikakaila na nagulat si Brando dahil sa ginawa kong pagsampal sa kaniya. “Kinakabahan kasi ako ng husto, tapos kung makapagsalita ka kanina ay para bang namatay si Adi,” sagot ko. “Hindi ba masamang balita naman talaga ang sinabi ko?” tanong sa akin ng kaibigan ko, pero inis na inirapan ko siya dahil muntik akong atakihin sa puso sa labis na pag-aalala. Tapos, ganito lang pala ang sasabihin niya. “Hindi, buhay pa naman siya,” sagot ko. “Sa susunod, huwag kang masyadong dramatic, Brando. Kung makapagsabi ka ng masamang balita, akala ko'y may masamang nangyari na sa asawa ko.” Namilog ang mga mata ni Brando. Gumalaw rin ang kaniyang mga kilay at p

