FAYE Dala ng labis na pagod, kaya kahit naramdaman kong bumangon si Sir Adi at nawala sa tabi ko, ay hindi ko nagawang magmulat ng aking mga mata. Hindi ko rin kayang igalaw ang aking katawan. Natatakot kasi akong gumalaw dahil sa tuwing gagawin ko ito, ay nanunuot sa aking kalamnan ang labis na sakit, kasabay ng panginginig ng aking mga tuhod at binti. Ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman ang presensya ni Sir Adi sa paligid ko. Nanatili akong nakahiga sa sahig at balot ng kumot habang nakapikit. Pakiramdam ko kasi ay parang naparalisa ang aking buong katawan matapos ang dalawang ulit na pagniniig namin ng aking amo, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makagalaw. Napasinghap ako nang maramdaman kong hinawi ni Sir Adi ang kumot na nakatakip sa aking katawan. Napaungol ako bi