FAYE “Anong pinagsasabi?” Nagkunwari akong hindi ko naunawaan ang sinabi ni Sir Adi dahil ang totoo ay hiyang-hiya ako sa sarili ko. “Ulitin mo nga sa Tagalog para maunawaan ko.” “Meaning, you–” Umiling agad ako at nagsalita, kaya natigilan si Sir Adi. “Mahina kasi ako sa English, eh. Kaya nga gusto kong mag-aral para naman matuto ako.” Napakamot sa batok si Sir Adi. Kahit nag-iinit ang aking magkabilang pisngi matapos marinig ang mahalay na sinabi niya, nagawa kong itago ang hiya na nararamdaman ko. May natutunan tuloy akong teknik ngayong araw. Baka naman kapag umakto akong boba, mabawasan ang pagiging inglesero ni Sir Adi dahil may mga pagkakataon na hindi ko alam kung tama pa ba ang pagkakaunawa ko sa kanyang sinabi. “Ganito na lang, i-demonstrate ko na lang sa iyo kung paano gaw