FAYE Ramdam ko ang kaseryosohan sa ekspresyon ng asawa ko nang bumalik siya sa kaniyang upuan at tumabi sa akin. “Go home, Aidan,” utos sa kaniya ni Daddy Alexander. “I'm not leaving without my wife, Dad,” walang emosyon na sagot ng asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa ni Daddy Alexander, pero kahit hindi ito sinabi sa akin ng asawa ko, ramdam ko na hindi niya ito nagustuhan. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Aidan?” narinig kong tanong ni Mommy Avery sa kaniyang anak. “Alam ko na ilalayo ninyo sa akin ang asawa ko kapag umalis akong hindi ko siya kasama,” walang pagdadalawang-isip na sagot ng asawa ko. Naguguluhan ako, pero katulad ni Sir Adi, hindi rin ako papayag na umalis siya nang hindi niya ako kasama dahil ramdam ko na hindi maganda ang nangyayari ngay

