FAYE Wala akong nagawa nang sabihin ni Sir Adi na ihahatid niya ako ngayon sa unibersidad kahit tumanggi ako at sinabi kong susunduin naman ako ng kaniyang driver. Alam kong nagtataka siya sa ikinikilos ko, pero ayaw kong magpaliwanag at muling magtanong sa kaniya dahil alam ko naman na madi-dissapoint lang ako sa huli. Ilang ulit ko na kasing ginawa iyon, pero kahit minsan, hindi sinagot ni Sir Adi ang mga tanong ko kapag may kinalaman kay Mira. Iisa lang ang sagot na naririnig ko, at iyon ay hindi na dapat namin pinag-uusapan pa ang tungkol sa babaeng iyon dahil wala siyang kinalaman sa binuo naming relasyon. “Honey, gusto mo ba na pagkatapos ng klase mo, puntahan natin si Janica?” narinig kong tanong ni Sir Adi sa akin. “Bahala ka,” walang gana kong sagot. “Sige, susunduin kita mam