HINDI ako natulog at hinintay ko maghatinggabi. Sumapit ang 2:30 PM, pumasok nga si Ate Julia sa kuwarto ko at tinulungan akong makalabas ng mansyon.
Tulog na ang mga katulong at security guard na nagbabantay sa may gate kaya madali akong nakalabas. Paglabas ko ay may taxi na nakaabang na inihanda talaga ni ate para sa akin. Hinatid ako ng taxi sa airport, at pagdating ng airport ay agad akong magpa-book ng ticket papuntang Rome, Italy.
Ilang oras pa ang hinihintay ko sa airport bago ang flight ko.
To be honest, I was terrified to run away. I knew exactly how furious Dad would be. But I couldn't—wouldn’t—let him force me into marrying his damn business partner. No way in hell.
Pero hindi ko pa rin mapigilan ang makonsensya. Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong tampuhan ni Dad at nagkasagutan. Oo, aminin ko na palagi siyang busy sa trabaho kaya nakakalimutan na akong kumustahin. Gayunpaman, lagi naman niyang sinusunod ang gusto ko pagdating sa mga materyal na bagay. Si mommy at ate lang talaga ang iba kung makitungo sa akin mula pa pagkabata, kaya medyo malayo ang loob ko sa kanila. Pero ngayon ay nagpapasalamat ako kay ate dahil tinulungan niya akong makatakas.
Pagdating ng Rome ay sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa hotel. Hindi na ako bumalik pa sa condo ko dahil siguradong malalaman ni Dad na nasa Italy ako.
Kinabukasan ay sumakay ako muli ng taxi at pumunta na ng Luiss University kung saan ako dating pumapasok.
Pagdating ng university ay agad akong naglibot-libot sa campus. Hanggang sa napahinto ako nang makita ang tatlong lalaki kasama ang apat na babae na nakaupo sa ilalim ng puno. May nagbabasa ng book, nakaharap sa laptop at nakikipagkulitan sa kasamang babae.
“You son of a b***h,” mahina kong usal na puno ng gigil.
Hindi na ako nakatiis pa mabilis na akong lumapit. Agad kong hinawakan sa kwelyo ang lalaking nagbabasa ng libro, at pag-angat nito ng tingin sa akin ay sinalubong ko agad ng isang malakas na sampal sa pisngi.
“Ouch! What the hell, Jelly?!” gulat na bulalas ni Vince na siyang sinampal ko.
I let go of his shirt, glaring. “That’s for ratting me out to Dad! How dare you! I trusted you, Vince. I thought you were my friend!”
Vince stood, scowling as he smoothed out his shirt. “Tsk. It wasn’t me—Gabriel slipped up, and I had no choice but to tell the truth.”
“Sorry, Jelly,” Gabriel said awkwardly, scratching the back of his head. “I thought your dad already knew you were in Moscow…”
I shot him a death glare. “Ang sabihin mo, madaldal ka lang talaga!”
“Okay, okay—enough fighting,” Lance cut in, slinging an arm around my shoulders like nothing happened. “Let’s get some food before someone dies. And by the way—welcome back, my Jelly. You look hotter when you’re pissed.” He winked at me.
Napairap na lang ako at inis itong siniko.
Ang ending ay sumama ako sa kanila. Napadpad kami sa isang fancy restaurant at sabay-sabay na nag-lunch.
“So, what did your dad say? Was he furious?” Gabriel asked, eyeing me curiously as we ate.
I let out a bitter chuckle. “Not exactly. He just wants to marry me off to his business partner.”
Napabaling ang tingin nilang tatlo sa akin at sabay pang napanganga dahil sa gulat.
“Really? Totoo ba 'yan?” sabay pa nilang bulalas.
I nodded with a sigh.
Gabriel leaned forward, smirking. “Let me guess—you ran away?”
Sinamaan ko naman ito ng tingin. “What do you think? Of course I did. There’s no way in hell I’m marrying someone I don’t even know!”
Just the thought of it made my chest tighten. What kind of future would that be—living a lie, trapped in a life I didn’t choose? Iisipin ko pa lang ay para akong mababaliw na.
“But won’t your dad still find you if you’re staying at your condo?” Vince pointed out, concern in his voice.
“I know. That’s why I’m hiding out in a hotel for now. Besides, I won’t be here long. I’m flying to Moscow tomorrow… to be with my boyfriend.”
Nagsitaasan na bigla ang mga kilay nilang tatlo sa akin nang marinig ang sinabi ko.
“Wait, what?” Gabriel blinked. “You have a boyfriend now?”
“Kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend?” Vince asked, narrowing his eyes. “I thought you moved to Moscow just to study.”
Napasatsat naman si Lance na nahinto ang balak na pagkagat ng pizza. “Ba't hindi mo sinabi sa amin, my Jelly? Dapat pinakilala mo muna sa amin bago mo sinagot,” simangot nitong reklamo.
I crossed my arms and arched a brow. “At bakit ko kailangan sabihin sa inyo, aber? Mga kuya ko ba kayo?”
Napaasik silang tatlo at sinamaan na ako ng tingin.
“We’re your friends,” Lance finally said with a frown. “You should’ve told us. What if he’s not who you think he is? What if he ends up hurting you? How the hell are we supposed to protect you if we don’t even know what’s going on? You’re moving to Moscow, and we’re stuck here in Italy.”
I let out a sarcastic laugh. “Protect me? Or report me to my dad?”
Inakbayan naman ako ni Lance na siyang nakaupo sa tabi ko. “Nah, my Jelly. Hndi naman ako madaldal katulad ni Gabriel. You know that. I’ve got your back. Just say the word.”
Inis ko na lang inalis ang braso nito sa pag-akbay sa akin. “Let’s just eat. I still need to book my flight.”
“We’ll take you to the airport tomorrow,” Gabriel muttered. “Too bad we have class. Otherwise, we would’ve flown with you to Moscow to meet this mystery guy.”
I rolled my eyes at him, barely hiding my smile.
Mga kaibigan ko silang tatlo. Ang totoo ay si Vince at Lance lang talaga ang kaibigan ko dahil kilala sila ni Dad, magkakilala ang pamilya namin. Naging kaibigan ko lang naman si Gabriel dahil kaklase nila ito at nagkataon na half filipino, Nakakatawa nga dahil hindi naiintindihan ang pag-uusap namin tuwing tagalog ang ginagamit naming salita. Pero alagang napakakulit din ng lalaking ’to kasi feeling close ba naman agad, kaya naging kaibigan ko na rin ito.
Matapos namin mag-lunch ay muli kaming bumalik ng university dahil may klase pa pala sila.
Ilang oras din ang hinintay ko bago natapos ang kanilang klase at inahatid na ako sa hotel kung saan ako naka-check-in.
Nagbihis lang ako saglit sa hotel room ko at muli akong sumama sa kanila. Nagyaya kasi silang tatlo na i-celebrate ang muli naming pagkikita after a year, kaya naman sumama na lang ako. Hanggang sa napadpad kami sa isang malaking nightclub dito sa Rome, ang Planet Roma.
Mapagkakatiwalaan naman silang tatlo kaya walang problema sa akin kahit buong magdamag ko pa silang kasama.
At dahil stress ako kay Dad ay dinaan ko na lang lahat sa alak. Nagpakalasing ako sa club at nagpakasaya.
Paumaga na nang mapagpasyahan na naming umuwi. Si Vince ang nagmaneho dahil siya lang ang hindi lasing.
“I’ll take you to your room,” Vince offered after the car came to a stop in front of my hotel.
“Don’t worry about it. I’m fine. I can walk, I’m good,” I insisted, already opening the car door. Pero parang umikot agad ang paningin ko pagbaba, mabuti na lang ay napahawak ako sa pinto ng kotse.
“Are you sure you’re okay?” Vince asked, his voice laced with genuine concern.
“I’m fine,” I slurred, shaking my head. “I’m fine. Now go home.”
“Alright, but if anything happens, just call me. See you tomorrow.” He gave me one last look before driving off.
“State attenti, miei cari amici! Guidare sicuri!” sigaw ko at kumaway pa sa kanila.
Pasuray-suray na akong naglakad sa lobby, hanggang sa narating ko ang isang elevator. Ilang sandali pa ako g naghintay, at nang bumukas ito ay dali-dali akong pumasok, pero dahil sa pagmamadali ko at kalasingan ay parang muling umikot ang paningin ko at saktong natapilok ang mga paa ko pagkapasok sa pinto ng elevator. Akala ko ay susubsob na ang mukha ko sa matigas na sahig ng elevator, pero mabuti na lang ay may isang matipunong bisig ang mabilis na sumalo sa baywang ko, kaya naman napigilan nito ang pagbagsak ko.
“Oh my god. T-Thank you,” I gasped, my heart pounding. I straightened myself up and shook off his arm, pressing the button for the 10th floor where my room awaited.
Habang umaandar ang elevator ay hindi ko na napigilan ang mapatingin sa nag-iisang lalaking kasama ko sa loob na siyang tumulong sa akin sa muntik ko nang pagbagsak. My gaze fell to his polished black leather shoes, then traced the line of his tailored slacks up to his wrist, where an expensive watch shimmered under the dim elevator light. My eyes kept climbing, drawn by a magnetism I couldn’t name, until they landed on his face.
And that’s when I froze.
He was already staring at me
Napakurap naman ako. In fairness, ang guwapo niya. Ang ganda rin ng kulay ng mga mata niya.
His amber eyes were sharp, focused—watching me like I was some kind of puzzle he was dying to solve. I expected him to look away once he caught me staring, but he didn’t. His gaze remained locked, unwavering.
“Oh? Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?” I snapped, arching a brow. “Ano, na-starstruck ka sa ganda ko?”
Napatikhim naman ito at iniwas na lang ang tingin sa akin. Hindi ako sinagot.
Napasimangot na lang din ako at napahawak sa ulo ko nang maramdaman ang pagkirot nito dahil sa ininom kong matapang na alak.
“Kasalanan talaga 'to ni Dad,” I muttered bitterly. “Hindi naman ako magpapakalasing ng ganito kung hindi dahil sa kanya.”
Ngunit dahil sa sinabi ko ay hindi ko inaasahan ang biglang pagsagot ng kasama kong lalaki.
“Bakit, ano bang ginawa sa 'yo ng dad mo at nagpakalasing ka ng ganyan?” he asked, voice low and calm, yet laced with curiosity.
Nasurpresa naman ako.
I turned, blinking. “You speak Tagalog? Are you... Filipino?”
“Half,” he said with a brief, knowing smile.
Napatango-tango na ako. “Oh that's great. Nice to meet you,” balewala ko na lang sagot at iniwas na ang tingin sa kaniya.
Pero muli naman itong nagsalita.
“Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko? Ano’ng ginawa sa 'yo ng dad mo at nagpakalasing ka ng ganyan?”
Napaismid na ako sa inis at napairap pa. “Ano pa nga ba? Ayan kasi si Dad, palibahasa anak niya lang ako kaya kailangan kong sumunod sa mga gusto niya. Ikaw ba naman ipakasal sa kanyang gurang na business partner. Talagang nakakainis. Nakakasama ng loob!”
Sandaling natahimik ang lalaki, pero muli rin itong nagsalita.
“Bakit mo naman nasabi na gurang na? Nakita mo na ba?”
Muli akong napairap. “Hindi pa naman. Pero wala na akong balak pang tingnan ang itsura ng lalaking 'yon. I don’t care if he’s rich or if he’s the most gorgeous man on Earth—I will never marry him!”
“At bakit naman hindi?”
Awtomatikong napataas muli ang kilay ko at napaangat ng tingin ulit sa lalaki.
“Excuse me? Who the hell do you think you are? Stop acting like you know me. Stop acting like we’re close. You’re just some stranger in an elevator. Back off!”
Napatikhim lang ito sa pagtataray ko at hindi na ako pinansin pa, iniwas na lang ang tingin sa akin.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako at pasuray-suray na naglakad muli. Pero mga isang dipa na lang ang layo ko sa room ko ay nang mapahinto ako, dahil naramdaman ang pagsunod sa likuran ko. Paglingon ko ay nakasunod pala sa akin ang lalaking nakasama ko sa loob ng elevator.
“Sinusundan mo ba ako? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis at ipahuli kita?”
Pero imbes na patulan ako ay saglit lang ako nitong tiningnan bago ako nilampasan. At para akong napahiya nang makita ang pagpasok nito sa katabi kong room.
“Hays, nakakahiya.” Napapilig na lang ako ng ulo at pumasok na ng room ko.
Pagsampa ko sa kama ay agad din akong nakatulog dahil sa kalasingan.
Nagising ako sa ingay ng phone ko. Hindi ko na sagutin dahil inaantok pa ako, pero dahil ayaw tumigil ng pag-ring ay napilitan akong bumangon kahit nakapikit at inabot ito sa bedside table.
“Yes, hello?” inaantok kong sagot at muling nahiga.
“Jelly Anne! Get back to the Philippines right now! Huwag mo akong suwayin kung ayaw mong makita ang galit ko!”
Bigla akong napamulat nang marinig ang boses ni Daddy. Pero imbes na sumagot ay agad ko na itong binabaan.
Parang naglaho bigla ang antok ko. Dali-dali na akong pumasok ng shower room at naligo.
Ibig sabihin ay alam na ni Dad ang pagtakas ko, at alam na rin niyang nasa Italy ako.
No, kailangan kong makaalis bago niya pa ako matunton!
Nang matapos maligo ay agad akong nagpa-book ng plane ticket online papuntang Moscow. At nang matapos magbihis ay lumabas na ako ng room ko habang hila-hila ang aking maleta.
Pero paglabas ko ay siyang pagkagulat ko nang bumungad sa akin ang apat na lalaking naka-black suit na agad akong hinarang.
“Your father sent us to fetch you, ma'am. A flight back to the Philippines has already been booked. We’ll escort you to the airport now.”
Para akong nanlumo sa narinig. Bigla akong nanghina.
Paano nalaman ni Dad kung saang hotel ako? Sinumbong na naman ba ako ng mga kaibigan ko?
“Let's go, ma'am.”