Chapter Twenty-one "Ninang Haja, here po." Magalang na ani ko sa babae. Inabutan ko ito ng juice. Kanina pa nito pinanonood ang kilos ko. Mukhang wala pang idea ang babaeng ito na wala na itong maiwawaldas na pera. "Thanks, dear." Napangisi ako nang inumin nito iyon na parang nauuhaw. Nasabi ko na ba? Ilang araw ko na itong pinaiinom ng juice, wala pa rin itong kaide-idea sa ginagawa ko. "Mukhang napapadalas ang alis ninyo ng ama mo." Puna nito. Bahagya naman akong ngumiti. "Busy po kami ni Papa sa pag-transfer ng yaman namin sa pangalan ko." "WHAT?" gulat na ani nito. Nabitawan pa ang baso dahilan para mabasag iyon. Nanginginig ang kamay nito at bahagyang napasapo sa dibdib. Napansin kong papasok na ng sala si Cindy kaya naman mabilis akong lumapit sa ginang. "Ninang? Are