Chapter Forty "Anong plano mo sa buhay? Maging babysitter na lang ng mga anak ko? Alam mong ayaw kong mangyari 'yon, 'di ba?" nakaangat ang kilay ni Barbara habang magkatabi kami sa terrace ng silid nito. Ito ang pinakapaborito kong tambayan. Habang pinapanood ang kambal na sina Ziggy and Zandra. Naglalaro ang mga ito ng Lego. "Alam ko naman kung bakit ayaw mong mangyari iyon. Ayaw mo akong tumandang dalaga." "No, ayaw ko dahil puro kalokohan ang dulot mo sa kanila." Matalim ang tingin nito sa akin na ikinabungisngis ko. "Ang bait ko nga." Depensa ko rito. "Mabait? Lintik ka, puro kalokohan pinaggagagawa nila this past few days. Iniwan ko lang sila ng ilang araw dahil sa trabaho ko." "Inalagaan ko namang mabuti, ah. May galos ba? Wala! Itinuro ko naman ang tama." Parang suma

