Chapter Twenty-three "May ginagawa ba talaga 'yong nagbabantay sa akin?" napatingin ako kay Kris. Tiyak na si Lady A ang kausap nito ngayon. Nandito kami sa isang hotel na pag-aari ni Lady A. Paglabas namin sa building ni Kris ay may naghihintay na roong sasakyan at dito nga kami dinala. May pulis na sa office ni Kris ngayon, pero tiyak na hawak ni Lady A ang mga iyon. "Kasama ko ang asawa ko, paano na lang kung nadamay s'ya?" frustrated na ani nito. Tinap ko ang tenga ko para marinig ang sinasabi ni Lady A. "Kaya nga buhay ka pa ngayon dahil sa bantay mo." Kalmadong ani ni Lady A. Buti na lang napigil ko ang tawa ko. Magtataka ito once na makitang tumatawa ako sa ganitong sitwasyon. "Siguruhin mo lang na kumikilos talaga s'ya." "Tsk, 'wag mo akong inaangasan Kristof De Lucca. Ba