Chapter Thirty "Hindi ko ma-contact si Haja. Kahit si Cindy ay bigla na lang hindi mahagilap." Galit na sigaw ko sa mga tauhan. "Base sa pagkakasagap ko ng balita ay sumama raw ang mag-ina sa asawa ni Ma'am Haja." "I-check mo kung totoo 'yang balitang 'yan. Hindi nila ako pwedeng pagtaguan. May usapan na kami ni Haja na oras na makasal si Cindy ay ipapakilala na n'ya ako sa anak ko." Gigil na hiyaw ko. Ako si Arturo, ang tunay na ama ni Cindy ngunit dahil sa paghahangad ni Haja sa mas maayos na buhay ay pinili nito si Ullysis Smith. Pati ang aking anak ay ginamit nito para lang makuha ang lalaki. "Ipapa-check ko, huwag kang mag-alala." "Nasaan ngayon si Isaia Smith? Nagsimula lang namang masira ang mga plano nang dumating ang babaeng 'yan." "Lahat ng tauhan natin na inutusang t

