Chapter Thirty-one "Isaia…" lumingon ako sa lalaking papasok ng kusina. Isinara ko ang laptop na ginagamit ko saka tinignan ito. "May kailangan ka?" tanong ko rito na seryoso lang ang expression ng mukha. "Love, sorry na." Ani nito na bigla na lang yumakap sa akin. Naka back hug ito sa akin at ipinatong ang baba sa balikat ko. Natigilan ako sa naging gesture nito sa akin. "Kris, may mga bagay na malabo ko talagang magawa para sa 'yo." Ani ko rito. Sa pader ng kusina ang titig dahil hindi ko talaga ito magawang tignan. "Hindi ko naman pinapagawa sa 'yo dahil sa akin. Nasabi ko lang iyon dahil sa tingin ko iyon ang mas makabubuti sa 'yo." "Gusto mo bang makarinig ng kwento ng isang batang naiwan sa gitna ng gyera na mag-isa lamang?" bumuntonghininga ito. Hindi nagkumento pero sa

