Thirty-two

1150 Words

Chapter Thirty-two "Papasok na sila sa pinto sa kusina." Mabilis akong tumakbo. Hindi para magtago, kung 'di para salubungin ang mga ito. Nakaumang ang mga baril at nang marating ang kusina ay walang pag-aalinlangang kinalabit ang gatilyo. Salitan, minsan sabay pa sa pag-asinta. Wala akong back up na aasahan. Ilang misyon na rin naman na ako lang mag-isa. Hindi man lang ako nakadama ng takot. Literal na pinaulanan na ng bala ang rest house. Tiyak na magtataka si Kris kapag nakita nito ang ayos ng kabahayan ngayon. Nagkubli ako sa ilalim ng lababo. Hinihintay na kumalma muna ang pagbaril ng mga ito. Nang mangilan-ngilan na lang ang putok ay pagapang na nagtungo ako sa sala. Wala na ring pakikinabangan sa mga gamit na naroon. Wasak-wasak na rin kasi. Kinuha ko ang sniper rifle ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD