Chapter Thirty-three "Ano ang nangyayari? Pati ang asawa ko ay nasaktan na. Ano bang ginagawa ng bantay ko?" sigaw nito kay Lady A. Mukhang hindi na nakapagtimpi sa labis na pag-aalala sa akin. "Don't talk to me like that, know your place." Napahilot sa sintido si Kris sa mariing ani ni Lady A."Nagbubuwis ng buhay ang bantay mo. Ang tangi mo lang magagawa ay sumunod sa lahat nang iuutos ko na walang tanong-tanong. Pasanin mo ang asawa mo, idaan mo s'ya sa secret door. May naghihintay sa inyo na tauhan ko. Sumama kayo sa kanila." Ani nito. Nakikinig lang ako. Masakit ang tama ko kahit pa nalinis ko na iyon. Nandidilim na ang paningin ko pero pilit ko pa ring inaalerto ang kamalayan ko upang matiyak na ligtas ito. Nang lumapit si Kris. Binuhat nito ako pa-bridal style. Gusto ko nang m

