Chapter Thirty-four "Umayos ka! Umayos ka naman!" malakas ang tinig ni Cindy ang unang bumungad sa akin pagpasok ko ng silid. Mukhang nasa banyo ang mga ito. Humakbang ako patungo roon at inabutan ko itong pinaliliguan ang kanyang ina. "Isaiaaa?" gulat na ani nito nang makita akong nakasandal sa pintuan. "Hi, Cindy." Ani ko rito. Binitiwan agad nito ang shower head at halos matisod pa sa binti ng nanay nito nang lumapit s'ya sa akin. Lumuhod s'ya sa harap. Ibang-iba ang ayos ni Cindy ngayon. Mukhang stress na stress na ito. Hindi na rin ako nagulat nang humagulgol ito nang iyak sa harap ko habang nakaluhod s'ya. "Tama na, Isaia. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Patawarin mo na kami, bata pa rin ako noon hindi ko pa alam ang tama at mali. Patawarin mo na rin si Mommy na maraming kasalanan

