Chapter 38 Rest in peace. Iyon na lang ang ibinubulong ko sa tuwing tumutumba ang bawat kalaban. May karugtong nga lang na, in hell. Tiyak naman kasi na roon ang bawat bagsak ng mga ito. Dinig ko ang hingal ng mga kasama ko. Pero nagagawa ng mga ito na makipagbardagulan nang asaran sa bawat isa. "Tang*na naman, Tatti. Sabi ko 'wag mo munang patayin. Titikman ko pa." Dinig kong reklamo ni Pluma. "Gagi, hindi naman ako. Si Islah, baril nang batil, eh." Dinig ko ang mga ito. Tinap ko ang device sa tenga ko. "Sabihin mo 'yan kapag hindi ka na takot sa t*ti." Sabi ko rito. Malakas na natawa ang mga girls, pwera kay Pluma na humarap sa direction ko at nag-middle finger. Kita ko iyon dahil nakatutok naman din ang sniper rifle ko at nakasipat ako roon sa rifle scope saka bahagyang in-

