Kabanata 78... "JAKE where are you?" bungad ko rito ng sagutin nito ang tawag ko. Mas mainam ito ang kausapin ko para humingi ng payo kesa sa tatlong gunggong na 'yon. Tiyak ko naman pag pinaalam ko rito ang nangyare sa akin tiyak malakas na kantiyawan ang maririnig ko mula sa mga ito. Medyo nalalapit kase ang problema ko rito nuong binata pa ito. "Judie, sabado ngayon. Alam mong araw ng pahinga ko." hingal na bigkas nito. Hindi maitago sa boses ang pagod. "So?" angil ko, "Gusto kong makipagkita sa'yo at kung hindi baka makapatay ako ng tao!" nagtatagis bagang sagot ko. "Sino kaaway mo?" gulat na tanong nito. "Basta puntahan mo 'ko dito sa hide out," pagpupumilit ko. "Okay, but please give me four hours, Judie." pakiusap nito. Hindi maitago ang ingay na kabilang linya na nangg

