Kabanata 79... HINDI KO alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pagdating ni Judie. Kaya ba ito dumating dahil sa nalaman nitong naaksidente ako? At kung hindi nangyare iyon maalala pa kaya ako nito? "Pwede din kase may namagitan na sa amin." sagot ng kanang isipan ko. "Kainposiblehan! Dahil limang araw itong walang paramdam!" sagot naman ng kaliwang isipan ko. Napasapo ako ng ulo, biglang nanakit kase iyon. Tiim bagang at walang kibong umalis ito ng paalisin ko. Isang sabi ko lang sinunod naman ako ng lalaking iyon! Hays! Kami lang ni Tatay ang naandito sa hospital dahil pati si Kedy ay umalis na rin. Mabuti na lang hindi inabutan ni Tatay si Judie kanina at kung, hindi? Wala pa rin kaseng kaalam -alam si Tatay sa pag ignora sa akin ng lalaking iyon. Tapos bigla na lang itong

