Kabanata 48... TAHIMIK SILANG dalawa habang nakaupo sila sa may park ni Judie. Mabuti na lang hindi masyadong kainitan ngayong araw. Dinala siya nito matapos siyang patayuin sa kinauupuan niya kanina. Kabastusan 'man na iwanan niya ang tatlo, pero nababasa niya ang pagmamaktol ng dalawang mata ng binata. Itsura ng gagawa ng iskandalo sa loob ng restoran ang nababasa niya rito. Hindi na nga niya nagawang magpaalam kay Gernie. Tanging tapong tingin na lang ang ginawa niya sa kaibigan at alam niyang naintindihan na nito ang ibig sabihin niya. Tahimik silang dalawa habang nakaupong magkaharap. "Alam ko hindi ka pa kumain," mababang boses na ulas nito habang nakasingkit ang mata na nakatitig sa kaniya. Nasisilayan kase ng araw ang gilid nitong kinauupuan at damay ang kalahatoli ng mukha

