Kabanata 47... "NASAAN KA?" Bungad sa kabilang linya ng sagutin ni Judie ang cellphone niya. "Kumusta ang ilang araw mong pananahimik? My good news na ba?"dagdap na tanong ulit ni Joven sa kaniya. Ano nga ba ang sasabihin niya? Na unti -unti ng nahuhulog sa kaniya ang dalaga? O 'yung halikan nila, na nagpainit ng buong katawan niya. Aminin 'man, parang mali ng halikan niya ang dalaga. Naguguluhan niyang, ayaw niyang ipareha ito sa mg babaeng naikama niya. Pero ng halikan niya ito, parang ayaw niyang pakawalan ang labi nito, parang kaseng may ibang kuryenteng gumuguhit sa buong katawan niya nuong maglapat ang labi nila. Lalo na nung, para itong maamong tupa habang kapit niya ang pisngi nito at hinayaan ang gusto niya. Hindi niya namalayang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya.

