Kabanata 101.

1696 Words

Kabanata 101... MABILIS 'KONG isinend ang huling mensahe ko kay Don. Valdez. Ito na ang pagkakataon ko habang wala ito sa mansyon. Buo na ang desisyon ko. Sumipat muna ako sa pulsuhan ko bago ako bumaba ng kama. Mag a alas sais na ng gabi. Maya't nagmamadali na ang mga paa 'ko'ng dumulog pababa ng higaan diretsyo papuntang kabinet. Humugot ako ng simpleng damit at pang ibabang kasuotan para palitan ang nakasuot sa akin. Mabilis ko'ng hinubad ang mga saplot ko at matapos nagkukumahog akong lumabas ng kuwarto ko. "Tay, aalis na ho muna ako," paalam ko kay Tatay ng maabutan ko itong nakaupo sa sofa sa may sala. Hindi ko alam kung papayag ba ito sa desisyon ko. "Saan ka pupunta at nagtatakip silim na anak?" bigkas nito na may pag alala. Pero wala akong balak ipaalam rito ang plano ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD