Kabanta 100... HINATID KO ng tingin si Hanjin habang papalayo na ito sa akin. May project daw itong nakuha dito sa Manila kung kaya't sinandali niya akong pinasyalan sa aming bahay. At ng mawala na ito sa akin paningin tumalikod na ako. Didiretsyo na lang ako papuntang kuwarto ng tawagin ako ni Tatay sa aking pangalan. Hindi ko napansin nakaupo pala ito sa may sala na tila ba hinihintay lang ako nito. Napahinto ako at napalingon. "Tay bakit po?" tanong na sagot ko. "Anong meron kayo ni Hanjin, anak?" tanong nitong bungad sa akin. Hindi ko inaasahang tatanungin iyon ng Tatay ko. Minsan nasa harapan kami ng pagkain ng sabihin kong magkaibigan lang ang meron kami nito. Pero itsurang hindi ito kontento at hindi na rin napigilan at nagtatanong na rin ito tungkol sa amin ng binata. Am

