Kabanata 87... "SERYOSO? Okay ka lang ba talaga Layla? Ilang linggo ka ng tahimik, timil ka rin kumain. May problema ba? Buntis?" Sunod-sunod na tanong nito. Oras ng pananghalian 'non eksaktong nasa loob kami ng canteen kung saan kami palaging kumakain. Bago pa 'man ako sumagot nagkumot nuo ako saka umupo. Halos magkasabayan kaming umupo nito habang ito ay nasa harapan ko. Halatado sa mukha nito ang paghihintay sa isasagot ko ng harapin ko ito ng tingin. "Hindi naman! Porque timil at tahimik na, eh, buntis na?" Sabi ko na pilit pinagsigla ang boses. "Hindi ba puwedeng may na mimiss lang na tao?" Dagdag ko pa. Nagpasya akong hindi ipaalam rito ko ang sekreto ko maging kay Nica. Nagpasya akong mas okay na sarilinin na Lang ang problema, kaya ko pa naman dalhin. Pero hindi ko namamalay

