Kabanata 88... "MY GODNESS MAR! Nasaan ka na ba? Stressed na stressed na 'ko dito!" Gigil na bungad na sabi ni Mencho ng sagutin ko ang telepono ko. "Napatawag ka?" tanong ko habang inabot ang travelling bag ko. "Mag sesesante ako ng mga saleslady mo! My God! Ano ito? Bakasyunan? Pag gusto lang pumasok, papasok?! Dalian mo dahil naandito pa rin ako sa mall. Mag -usap tayo about dyan!" may pagkapikon ang boses nito. Hindi ko ito pinansin bagkus nagmamadaling akong lumabas ng airport. Kauuwe ko lang galing Singapore. "Akala ko importante," bigkas na bulong ko. "Mar! Lahat ng itinatawag ko saiyo importante! Tatlong linggo kang nawala at tatlong linggo din ako naistress sa mga tauhan mo." May pagkainis sa boses nito ng mabanggit iyon. Kahit hindi ko ito nakikita tiyak umiikot ang dal

