Kabanata 89... MATAPOS KONG basahin ang mensahe nito. Gigil na binura ko kaagad ang text nito. Ganoon naman lagi, hindi ako nag se save ng mga text na galing mula dito. Para sa akin, isa itong malaking basura at bangungot sa buhay ko. At ngayon nakabalik na ito ng bansa, kailangan ko ng tibay nang tuhod at dibdib. Kailangan kong maging matapang at maging manhid dahil kahit paano may kaunti pa rin akong pagmamhal dito pero ipagsasantabi ko iyon dahil sarili ko naman ang bibigyan ko ng pansin.. Ilang sandali na lang at magkikita na ulit kami ni Judie. Ipinatong ko sa bankuan na nasa gilid ang cellphone ko matapos nagbalik higa ulit ako kahit ba kanina pa ko tinatawag ni Tatay para sa pananghalian. Pero hindi ako lumabas ng kuwarto ko, nagsangkalan na lang akong busog pa at kunwareng sinab

