Kabanata 111... "CONGRATULATIONS!" ISANG MALAKAS na putok at may halong pagtili at paghiyaw ang nagpamulagat ng aking mga mata. Mabilis akong naupo kasabay ng pagtaas ng kumot sa aking hubo't hubad na katawan saka tumapon ng tingin sa mga taong nasa harapan ko. Masayang nakatingin sa amin ni Judie ang mga grupo ng poty maging ang asawa ng mga ito. May kaniya- kaniyang hawak na lobo, at hindi ko malaman kung ano ba 'yung isa na tila ba doon galing ang lakas na ingay. Mabilis akong napabaling tingin kay Judie. Nakayakap ito sa akin at labas ang kalahating katawan kaya kitang kita ng mga nasa harapan namin ang namumutok nitong dibdib at may kaunting balahibo pababa sa may puson nito na ngayon ay nakatingin na rin sa akin kahit na ba nakikita kong pilit lang ang pagmulagat nito. Mabilis

