Kabanata 112... "SO, PAANO mo sasabihin kay Hanjin na ikakasal na tayo?" mapait na tanong nito. Nakaupong magkadaop palad kami sa may buhanginan at tanging dalawa lamang kami doon. Niyakag ako nito habang ang ibang poty naman ay nasa cottage. Katatapos lang namin kumain ng hapunan ng kayagin ako nitong maglakad-lakad at ng mapagod ay naupo doon. Pero hindi ko inaasahan ito na ang unang magbubukas ng usapan na iyon. Nabanggit ko kase dito'ng nakikiusap itong magkita kami nito. If abutang nag-uusap 'man kami nito hindi ito magalit. Kaya naging mabuti na ito na rin ang nagbukas ng usapan na iyon. "Nagreply ako kanina. Pumayag na akong magkita kami bukas," nilingon ko lang ito ng sabihin ko iyon ngunit hindi naman ako nito tinapunan ng tingin. Nagbago nag mukha nito ng sabihin ko iyon.

