Kabanata 41... WALANG IMIK at pasalya niyang iniupo ang puwitan sa katabi ng uupuan ng binata. Akma na siyang uupo na sana sa likuran ng mabilis siya nitong pigilan. Nauna kase siyang naglakad papalabas ng bahay habang ito naman ay sumusunod sa kaniya. Nagpupuyos sa inis ang dibdib niya. Pagkatapos nitong ilandakan sa ama nitong jowa siya, ninakawan pa siya nito ng isang halik. Kung hindi nga naman nanamantala! Kahit kismak lang iyon wala pa rin itong karapatan na halikan siya! Lalo na at sa harapan pa ng ama nito. Pero ramdam ko ang pag uwang ng labi nito na nagpa kabog ng dibdib ko at tila ba huminto ang kaisipan ko. Patalikod siyang umupo rito. Dating gawi, nakaharap na naman siya sa may bintana habang nakasandig at nakatingin sa labas. "Iuwe mo na 'ko." malamlam niyang sabi

