Kabanata 42... "ATE... Ate..." yugyog na tawag sa kaniya ni Linda ngayong umaga. "Hmmm." ungol na sagot niya. "Tanghali na po, saka nakapasok na po si Neneng at Piyong. Bakit naandito ka pa ate? Bangon na po at male-late ka na." hirap na nagmulat siya ng dalawang mata. Nabungaran niya si Linda na nasa tabi niya. Pilit na tumayo siya sa pagkakahiga saka naupo. "Nasaan si bunso?" unang usal niya habang kinukuskos ba tila bata ang mata,"Saka bakit na naandito ka pa?" nagtatakang hindi pa ito nakabihis, "Bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit mo pampasok?" "Wala po kaming pasok ate ngayon. Hindi ko na po nasabi sa nyo kagabi kasi hindi ko na nga po alam kung ano'ng oras kayo umuwe. Saka nakita ko lang po 'yung sandalaya nyo sa labas kaya alam kong naandito pa po kay, kaya ginising na

