Kabanata 19... ISANG MALAKAS na tunog ng cellphone ang nagpa gising kay Judie Mar noong umaga. Ginawang kinapa lamang niya sa gilid ng kaniyang kama at pinatay saka muling bumalik sa pagtulog. Pero segundo lang ng patayin niya, isang malakas ulit na tunog ang nagmula roon. "Hhmm..." ungol na namutawi tunog sa labi niya hanggang sa nawala ang tunog ng cellphone niya. Maya-maya hayon at tumutunog ulit ang cellphone niya. Tuluyang nagising ang diwa niya sa pagtulog. Nag inat at tinatamad niyang sagutin ang cellphone gusto niyang ipagpatuloy ang pagtulog ulit. Mag a-alas tres na siyang umuwe kinagabihan galing sa isang birthday party. Hindi rin niya na tanggihan ang mga kaklase. Kaklase niya iyon nuong high school at ngayon lang ulit sila nagkita- kita ng mga ito kaya hinayaan na rin