Kabanata 18... AT DAHIL MAAGANG pumasok si Layla, ginawa niyang dumeretso muna sa loob ng stockroom. Doon makikita kung kailan ang magiging day off ng mga sales lady sa CityVal Mal. Humakbang siya sa may gilid kung nasaan ang mga papel na nakadikit sa pader, isa-isa niyang pinagtitingnan tiniyak kung nasaan ba ang pangalan niya. Gusto niyang malaman kung kailan ba ang day off niya, mabilis naman niyang nakita at nalaman. Bumalatay sa labi niya ang isang matamis na ngiti. Eksaktong sabado. Eksaktong sa araw na iyon walang gagawin si Nica dahil tuwing sabado at linggo family day ang inuuna nito. Pagkalabas niya ng stock room, marami-rami na ang kapwa niya saleslady na nakatayo at nagkukuwentuhan, samantalang si Gernie ay wala pa. Dumiretsyo siya sa kaniyang puwesto at nag ayus-ayos na