Kabanata 17... "Hoy! Iayos mo nga 'yung mukha mo!" ulas na sabi sa kaniya ni Gernie. Kapapasok lang nila sa loob ng canteen para kumain ng pananghalian sa mga oras na 'yon. "Tsk! Sino 'di maba badtrip, aber?" padabog na sagot ni Layla sa kaibigan, "Kaaga-aga ikaw ang pag tripan ng babaeng kambing na 'yun! H'wag s'yang magpapakita sa Sta. Clarita at naku. . . ." nagkandahaba pa ang nguso niya habang gigil na nagsasalita sa harapan ni Gernie, "Babalatan ko s'ya talaga ng buhay!" saka nagbuntong hininga, "Tapos isa pa 'tong si bakla! Nagmamadaling nagpapatimpla ng kape, tapos nakalilipas pa lang ang sampung minuto tumawag sa 'kin si Sir.Mar. May pa, 'yeah, aha, faster, faster' pa na nalalaman sa telepono! Nuong nasa harapan na 'ko ng pintuan ng opisina nya, aba! Lintik! Pudpod na ang kamay