Kabanata 16... "ANONG SIZE nito ma'am?" Napaharap si Layla sa boses babaeng nagtanong sa kaniyang likuran, ngunit hindi napigilan ang sariling hagudin ito ng tingin. Nagkulang sa tela ang suot nitong pang itaas kung kaya't ang harapan nito tila ba u***g na lang ang nababakuran at ang pang ibaba naman animo'y kulang na lang ay panloob na saplot ang ilagay. Nakikita na kase ang maumbok nitong puwet na bumagay naman sa maliit nitong bewang. Sa tindig nito, tila ba may sinabi ito sa buhay. Pilit inaalala ng kaniyang isipan kung saan ba niya ito nakita. Pero tila yata nagkulang siya ng kinaing kanin kaya wala siyang maalala. "Hello, anong size nito?" sa mukha nito may pagkainis na bumalatay ng magsalita ito habang hawak nito ang isang set na undies na nakapalad sa kaniya. Bigla syang n