Kabanata 95... 9:40 AM. HALOS MAG UUMAGA na ng makatulog ako. Binabangabag ang kaisipan ko dahil sa nakita ko kagabi sa naka tag na live kay Gernie. Sa itsura ng binata lalong naging makisig at kaakit -akit ito sa paningin ng mga kababaihan. Lalo pa itong naging guwapo sa ilang taon na hindi namin nito pagkikita. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang pagliit ng katawan nito na 'di tulad ng dati ay namunutok ito ngunit hindi naman iyon nakabawas sa itsura nito. Ginawang iwinaksi at inignora ko ito dahil alam kong hindi iyon makatutulong sa akin ngunit pilit sinasabing isipin ko iyon. Hindi ko na dapat ito isipin pa. Masaya na ito sa ibang babae. Dalawang taon na ang nakaraan. Dalawang taon na kaming walang ugnayan nito. Dalawang taon na ibinaon ko ito sa limot. Pero heto at tila hi

