Kabanata 94... "MASYADO mo 'kong pinag alala Layla! Ang akala ko ano na ang nangyare sa iyo. Siyam na buwan ka hindi nakontak, nakausap at nakachat, pati ang mga Tatay at Nanay mo nag alala sa iyo." bungad ng buksan ko ang chat ni Gernie. "Hays... Hindi 'bat ang sabi ko sa iyo, once na hindi ako makapag online nasa China ako." paalala na reply ko rito. "Malay ko ba na totoo iyon! Saka siyam na buwan?! Mey Ged! Dinaig mo pa ang alang pamilya na mag alala sa iyo! Kinasal at nabuntis na 'ko lahat-lahat, manganganak na lang now ka lang nagka internet!" mabilis na reply nito. "Alam mo naman walang f*******: at google doon 'di ba. Pasensya na, Gernie. Na miss kita. Na miss ko kayo. Katatapos ko lang tawagan sila sa bahay. Kumusta ka?" "Higmmm, okay lang. Ikaw ba? Dalawang taon ka na dya

