Kabanata 63... HALOS MAG UUMAGA na rin ng makatulog ako, hindi kase maalis sa isipan ko si Judie Mar. Nagpumilit kasi akong magpa uwe sa bahay namin kagabi. Ginawa naman nito kahit alam kong hindi bukal sa loob nitong ihatid ako. Dahil ilan beses pa ako nitong pinigilan ngunit nag pa nagpumilit pa rin ako. Hindi na nga ito bumaba ng sasakyan nuong bumaba ako dahil hindi ko naman na ito inalok pumasok sa loob ng bahay namin. Dahil ng bumaba ako hindi ko na ito nilingon at diretsyang humakbang ako papalapit sa bahay namin. Humikab ko, ramdam ko tuloy ang pamimigat ng dalawang talukap nang mata ko habang nag aanatay ng jeep, nabuhayan lang ang isipan ko ng may humintong jeep sa harapan ko at mabilis na sumakay ako. Halos iilan pa lang ang tao sa mall ng makarating ako. Dumiretsyo ako s

