Kabanata 62... LUKOT AT HINDI maipinta ang mukha ni Judie habang nagda- nagda-drive ito ng lingunan ko. Pumayag na rin akong sumama at sumakay sa sasakyan nito para sa ikatatahimik ng lalakeng ito. Huwag lang akong re-rapin at tiyak bibigay ako. Diretsong nakatingin lang ito sa minamaneho na tila ba walang kasama, tila ba wala ako sa tabi nito. Hindi nalang ako kumibo at ginawa ko na lang mag text sa Tatay ko para sabihing kasama ko ang binata na maghahapunan. Biglang pumasok sa isipan ko nang mahuli nga pala ako nitong hawak ang bulaklak at alam na nitong may relasyon kami ng binata. At wala 'man lang itong reaksyon sa paghalik sa akin sa harapan nito, talagang malaki ang boto nito kay Judie. Sa malalim na pag iisip ko hindi ko namalayang bumukas ang gate at nakapasok na kami sa mala

