MAY gumuhit na ngiti sa mga labi ni Cali nang makita niya ang bagong silang na pamangkin. Siya ang naunang dumalaw sa sister-in-law niya sa ospital matapos ibalita sa kanya ng kuya Niko niya na nanganak na nga ito. Nagkatampuhan na naman kasi ito at ang kakambal niya sa hindi malamang dahilan na naman. Mamula mula ang matambok na pisngi ng pamangkin niya. Nakuha nito ang pagka-singkit ng mga mata nilang magkapatid at kung tutuusin, papasa itong kapatid nila dahil sa malaking pagkakahawig nito sa kanila. “Cali?” Napalingon siya nang madinig ang tinig na iyon ni Bernice. Matama niya itong nilapitan saka marahan na inabot dito ang bagong silang nitong anak. “Kanina ka pa?” tanong nito sa kanya. “Oo. Naabutan ko siyang gising kanina,” tugon niya dito. “Sinundo ni Javi ang kapatid ko at ting