TAHIMIK lang naka-upo si Cali sa kabilang dulo ng sofa at matamang pinagmamasdan sila James na kasalukuyang tinatahi ang sugat nito sa ulo. Dulot iyon ng pagkakatulak pala niya dito kagabi. Sa sobrang kalasingan niya hindi niya na nagawang makilala pati sarili niyang asawa. Sinabi naman nito na nung una nakilala niya ito pero pagdating nila sa comfort room nila, nag-iba daw bigla ang mood niya. Naiinis talaga siya sa sarili niya. Paano niya i-explain iyon sa mga biyenan niya? Baka isipin ng mga ito sinasaktan niya si Javi. “Patingin mo pa din ‘to sa mga doctor. Mas mainam kung magpapa-CT scan ka para masiguro lang na walang internal bleeding.” Nadinig niyang bilin ni James kay Javi. Lalo siya kinabahan nang madinig ang advise nitong magpa-CT scan para masiguro raw na walang internal bleed