Point of view - Steffi Dwight - Nakatitig lamang ang aming mata sa isa’t isa habang ako ay nakatayo kalapit ng aking anak. Nakita ko ang marahang paglapit niya sa aming kinaroroonan, hanggang sa makarinig kami ng isang tunog galing sa dumating na kotse. Sabay kaming napalingon sa dumating na kotse rito sa tapat ng eskwelahan. At nakita ng aking mata na mabilis na lumabas si Josh mula sa kotse na ito. "Steffi, nakita mo na si Jake? Saan-" Naputol ang sasabihin ni Joshua nang makita niya kami ni Blake. Tila naging seryoso ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang nakita at dahan-dahan siyang naglakad patungo sa aking kinatatayuan at lumapit siya sa aking tabi. "Jake, ‘buti naman at ligtas ka." "Opo, uncle Josh," saad ni Jake sa kaniya habang nakaluhod si Josh at ginugulo ang buho