Point of view - Steffi Dwight - Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paggalaw ni Jake mula sa aking bisig. Dito nga pala siya nakatulog kagabi sa aking silid matapos kaming maglaro ng kaniyang PS games. Marahan akong bumangon mula sa aking pagkahiga upang hindi siya magising. Lumabas ako ng aking silid at dumungaw sa balcony. Maaraw na pala, kailangan ko nang mag-ayos. Matapos akong maligo at mag-ayos ng aking sarili. Lumabas muna ako sandali sa condo upang bumili ng aming umagahan ni Jake, ngunit hindi ko akalain na habang ako ay patungo sa bakery, makakasalubong ko ang mommy ni Josh. Agad naman akong bumati sa kaniya nang siya ay mapatingin rin sa aking kinatatayuan. "Good morning po," saad ako. "Oh, hi! Good morning, Steffi. Bibili ka rin ba ng umagahan?