Point of view - Blake Robinson - "Good morning, Sir Blake. Heto na po ang mga litratong pinakuha ninyo sa akin," rinig kong sabi ng aking inatasang tao upang subaybayan ang kilos ng aking mag-ina. Hindi naman sa ayokong pakawalan si Steffi, gusto ko lamang makasigurado na ligtas siya bawat oras. Habang dahan-dahang nilalapag ng aking assistant ang mga litrato sa ibabaw ng lamesa na aking kaharap. Hindi maiwasan ng aking mata na makita ang lalaking kasama ni Steffi. Josh yata ang kaniyang ngalan. Nais kong malaman kung ang lalaking ito ay mapagkakatiwalaan. Kinuha ko ang litrato na ito at may kung ano sa aking puso ang bigla na lamang kumirot at nakaramdam ako ng pagka-inis habang tinitingnan ang hawak kong litrato. Ang bisig ni Josh ay nakayakap sa katawan ni Steffi ha