Point of view - Blake Robinson - "Ano na namang kalokohan ang sinasabi mo?" iritable kong sabi kay Cassie sa kabilang linya. "Alam ko na biglaan, Blake. Pero mag-usap tayo, please." Nasuklay ko ang aking buhok dahil sa kalituhan na aking naririnig sa kaniya. Naisandal kong muli ang aking ulo sa headrest ng aking kotse at saka ako muling nagsalita. "Okay, sige. Tatapusin ko lang ang mga meetings ko rito at uuwi ako diyan sa Pilipinas." Matapos ang aming pag-uusap ay pinatay ko na ang cell phone na aking hawak at sinimulan ko na ang pag-drive *** Kinabukasan, isang nakakapagod na araw ang dumaan. Sa wakas, na-close ko na rin ang deal sa isang stock holder at wala na akong dahilan upang manatili rito sa San Francisco. Ngunit kung tutuusin, marami akong dahilan upa