Point of view - Steffi Dwight - Matapos ang aking trabaho ay nagsimula na akong mag-ayos ng aking mga kagamitan at lumabas sa opisina. Nang ako ay palabas na sa main entrance ng building na ito, nakita ko ang kotse ni Josh na parating sa aking kinatatayuan. Napangiti ako dahil sa aking nakita. Kasama niya si Jake na kagagaling lamang sa eskwelahan. Tumigil ang kotse sa aking harapan at bumaba ang bintana nito. "Hi, sexy. Wanna ride?" pabirong sabi ni Josh na nakapagpangiti sa akin. "Loko ka talaga!" Binuksan niya ang pinto saka ako pumasok sa loob kung saan naroon ang aking anak. Mabilis kong hinagkan sa pisngi si Jake at saka siya niyakap. "Mom, you're squishing me." "Sorry, son. Nanggigigil lang ako sayo." Saka ako kinikilig na tumawa. "Uuwi na ba tayo, S