Point of view - Steffi Dwight - Marahan kong naibagsak ang aking sarili at napaupo na lamang ako sa kahoy na bench na inuupuan ng aking ama. Maraming katanongan ang tumatakbo sa aking isip nang mabanggit niya na ang aking anak na si Jake ay kamukhang-kamuka ni Blake. "Daddy, paano n'yo po nakilala si Blake?" saad ko sa aking ama. Halata sa aking boses ang kaba na nadarama ng aking puso. Tiningnan ako ni daddy sa aking mata at kinuha niya ang aking kamay. Ipinatong niya ang kaniyang palad at binalot niya ang aking kamay sa mga ito. "Steffi, alam kong wala akong karapatang mangialam sa iyong buhay pag-ibig. Ngunit gusto kong maging masaya ka. At sana, alisin mo na sa iyong puso ang galit na bumabalot dito." "Ano po bang sinasabi nyo, dad?" "Steffi, makinig ka. Si Bla