"Sir!" kumaway ako sa paparating na sasakyan. Dala ko ang resume ko. Hindi ko tiyak kung gising na ba iyong mga taong pinatulog ni Aaron. Pero narito ako para ma-witness ang lahat ng iyon. Siyempre, lalo na ang reaction ni Darrius Salazar. Bumaba ito ng sasakyan. Mugtong-mugto ang mga mata. "Magpapasa po ako ng resume." Magalang na ani ko sa lalaki. "Not now." Humakbang na ito paabante. "Nagbago na po ba ang isip n'yo?" "Huwag muna ngayon." Saway ng guard ni Darrius Salazar. Bumaba rin mula sa sasakyan ang dalawa pang anak nito. Pare-parehong mugto ang mga mata. Mukhang may nangyari. "Nasaan ang mga tao rito?" dinig kong tanong ni Darrius. Kahit hindi pa ako empleyado ay sumunod ako sa kanila sa pagpasok. "Titignan ko po sa kusina." Offer ko. Agad naman tumango ito. Pagdating